Isang larawan ng tipikal
na pamumuhay sa ating bansa, isang pagpapakita ng tunay na imahe ng mga karaniwang
mamamayan sa ating lipunan, isang malinaw na paglalarawan sa mukha ng
nakararaming taong sinusubukang sakupin ng mga dayuhang kumpanya sa pamamagitan
ng kanilang mga produkto – gan’yan ko nakikita ang obra ni Antipas Delotavo na
pinamagatang “Itak sa Puso ni Mang Juan”.
Mula sa aking asignaturang Humanities noong ako ay nasa
unang taon- unang semestre ng aking buhay-kolehiyo, natutunan kong si Delotavo
ay isang social realist na
nagbibigay-pansin sa mga totoong nangyayari sa ating lipunan, lalung-lalo na sa
mga manggagawa, na hindi madalas nakikita ng mga tao. Ang likhang sining na ito
ay isang halimbawa ng kaniyang mga obra maestra na nagpapakita ng tinatawag na “neo-koloniyalismo”
at “mental coloniality” ng mga Pilipino. Paano ko nasabi?
Una kong sinuri ang lalaking nasa larawan o si Mang Juan.
Makikita rito na si Mang Juan ay nagrerepresent sa mga Pilipino o masa dahil sa
kaniyang mga katangian: kayumangging balat, kulay ng buhok at pananamit. Sa kaniyang
postura at ayos ng pagkakatayo na ang ulo ay nakayuko, ang ekspresyon ng mukha
ay parang nahihirapan, ang likod na tila pagud na pagod at ang mga brasong
nakalagay sa likuran ay nagpapakita ng tuluyang pagsuko ng mga Pilipino sa mga
produktong dayuhan at pagsunod sa mga batas nito sapagkat karaniwan sa mga
manggagawang Pilipino ay nagtatrabaho sa ilalim ng mga dayuhan. Kumbaga,
kinailangan na lang nilang sumunod upang kumita at may maipampakain sa pamilya.
Isa pa, ang Coca-Cola ay isa sa malalaking kumpanya na sumusubok manipulahin
ang ekonomiya ng bansa at nakuha nito ang kahinaan ng ating mga kababayan na
mabilis tumangkilik sa mga produktong dayuhan.
Ikalawa ko namang sinuri ay ang “background” ng larawan
na may nakasulat na Coca-Cola. Ang matitingkad na liwanag sa ibaba ng larawan
ay nagpapakita ng pagiging sikat at glamoroso ng kumpanyang ito sa ating bansa.
Ipinapakita rin nito ang pandarayang lihim na naidudulot nito sa pamumuhay ng
mga Pilipino. Sapagkat naituturo nito ang pagtangkilik sa maling produkto na
hindi naman dapat. Ang mga bagay na kanilang ibenebenta ay pilit nilang
ipinapatankilik na hindi naman talaga kailangan ng mga tao sa araw-araw na
pamumuhay. Makikita rin dito ang tila kutsilyong nakaturo sa dibdib ni Mang
Juan na para sa akin ay nagpapakita ng paghihirap na nararanasan ng mga Pilipino
sa ilalim ng mga dayuhan sa mismong bansang ating tinitirhan.
Sa kabuuan, pinalabas ng
pintor ang maaring negatibong epekto ng globalisasyon, komersalisasyon sa Pilipinas at sobrang
pagtangkilik ng mga kababayan natin- si Mang Juan bilang representante ng mga
mamamayang Pilipino- sa mga produkto ng mga dayuhang kumpanya tulad ng
Coca-Cola Companies. Base sa aking nakita sa likhang sining na ito, ang
tila-kutsilyong buntot ng letrang C sa Coca-Cola na nakaturo sa puso ni Mang
Juan ay nagpapakita lamang ng paghihirap na maaring maranasan natin kung ang
mga dayuhang kumpanya dito sa bansa ay patuloy na sasakupin ang industriya at
magkaroon ng malaking kontrol sa ekonomiya ng Pilipinas, na sa mga panahon
ngayon ay tila itinuturo din sa atin ng mga kumpanyang ito ang pamumuhay na
naaayon sa ‘gusto’ at hindi sa ‘pangangailangan’ ng tao.
colonial mentality po ata ate
TumugonBurahinAno Ang mga literal at biswal na imahen?
TumugonBurahinAno ang mga literal at biswal na imahen?
TumugonBurahinAno ang kasalukuyang isyu sa lipunan
TumugonBurahin