Sabado, Oktubre 13, 2012

A Letter To My 18-Year-Old Self

                                                                                                     October 13, 2012
Dear 18-year-old self,
                Hey, girl!
                Oops! I’m sorry. That should be “Hey, lady!” Because by the time you are reading this, you are currently enjoying the days of your being-a-lady, the days of the new chapter of your life. From this day, it’s been two months na pala since your birthday. So happy 18th in the second month.
                Late na ‘tong message ko sa’yo. Bago ka kasi dumating at bago ako umalis, ang dami kong stuffs to do. Ya know, those student’s stuffs! (Ha ha) Kaya hindi ko masyadong naasikaso ‘yong message ko sa’yo. Anyway, ito naman na yung magiging last words ko for you. Farewell message kumbaga. Matagal ko na ‘tong gustong sabihin sa’yo eh. But I’ve just got this free time to write what I’ve been wanting to write. So this is it!
                There are just three things I want to tell you. And please remember these all the time. Gusto lang naman kitang i-congratulate, pero gusto din kitang pagsabihan at pagalitan.
                First, congratulations! You’ve learned to be independent now and that is good. One year and a half ka nang nakatira sa boarding house away from your family. Though really hard, you still managed to survive your first year in the concrete jungle and I know you are still surviving. I know it was really tough for you to be away from your loved ones. Yet you endured the homesickness and loneliness during those times when you feel like being alone.
Congratulations! Kasi you’ve also learned to be more unselfish. Probably because you social life has improved a lot and is expanding. You’ve gained more friends now. Kaya lang madaldal ka pa din. (He he) You’ve been doing well in socializing and you’ll do better, I know. Congratulations din for the achievements and rewards you have received from your first year college. Ang tanong ko lang, bakit parang you are losing your way now? What’s happening? I know what you’ve been through and what you are going through right now. But would you let those things interfere with what you want to achieve? That’s the second thing I want you to be reminded of.
You have a lot of dreams, right? But you cannot make them come true when you’re being inconsistent with yourself. Ang tamad-tamad mo nang mag-aral. Ang hilig mo nang mag-procrastinate ngayon. Dati-rati naman, ang sipag at ang tiyaga mong mag-aral, lalo na nung high school. Yung tipong hindi ka pa matutulog hangga’t hindi ka pa nakakapag-review for your exams. Yung tipong  hindi ka papayag sa sarili mo na  papasok ka ng school na hindi tapos ang assignments at projects. Yung tipong hindi ka din papayag na matapos ang araw o gabi na wala ka man lang nasisimulan at natatapos sa mga kailangan mong gawin. Tapos yung tipo rin na kahit anong yakag sa’yo ng tropa na gumala, hindi ka muna sasama hangga’t hindi ka pa tapos sa school stuffs mo. Yung tipo rin na ayaw na ayaw mong magpapasa ng mga projects na substandard. Tapos during your high school days, ang sipag-sipag mong mag-jot down ng notes sa notebook mo. Dati rin, never mong naisip na mag-absent kasi you do not want a single day to pass without even learning something. Naging principle mo pa nga dati yan di’ba? Noon, gustung-gusto mo rin ng nag-gu-group study with your bestfriends and friends. Oh nasaan na yung mga yun? Nasaan na ang study habits mo? Natatandaan ko sinabi mo noon na nagsasawa ka na. Pero hello?!? Anong mangyayari sa’yo, sa mga goals mo, kung iisipin mong nagsasawa ka na? Mind over matter, Diarina Jane! You’re very fond of studying and learning. Yun ka di’ba? Ibalik mo yun. Ngayon kasi nauuna pa ang pahinga at tulog, wala namang natatapos. Ni hindi ka na nga rin nag-re-review sa mga subjects mo eh.
Magbago ka na, okay? Be more truthful to your words. “Walk your talk.” Remember this motto when you were an SSG Officer in high school? Yung mga promises mo sa sarili mo, please lang tuparin mo na. Lagi na lang napapako. Sabi mo noon, you’ll be better this year in your studies di’ba? Then be better! Do better! Not just in your studies, but be a better person yourself. Be more responsible in whatever you do. Do not complain anymore when you are in situations like you are loaded with tons of paper works and projects. Just do them then complain if they are not good and if what you received is not worth the effort. Pursue what you want. Reach for your goals. Madami kang pangarap sa buhay di’ba, for your family and friends? Think of them. Think of the reason why you are where you are right now. Remember those people who helped you to be in the place you never thought you would be in. Mag-aral nang mabuti ha? Wag nang tatamad-tamad. Wag nang pa-relax-relax, tapos saka ka magsisisi sa huli kapag pumalpak na, pag wala nang magagawa pa. Habang marami pang time, gawin na agad ang dapat gawin. Para mas makakapagpahinga ka nang maayos ‘pag tapos na ang gagawin. At nang hindi ka nate-tense at nagka-cram in the last two minutes. Gusto mo gumradweyt with flying colors, right? And to top the LET? Eh di mag-aral ka nang mas mabuti. Ibalik mo na yung study habits mo nung high school. Aim for the best and not for the “just” stuffs at yung mga tipong “sakto lang.” Be motivated!
Thirdly, you’re no longer a baby girl. Act, speak and look what a lady should act, speak and look like. You’re on your own now. You already know what is right and what is not, what is better and best and what is worse and worst. Matanda ka na. Do all of these things or regret in the future. Nakakainis ka naman kasi eh. Para kang tumatanda nang paurong. Kung kelan nag-college, dun tinatamad mag-aral. But anyway, I still love you sooooooo much. I trust you, okay? Everybody trusts and expects you to be better because we believe that you can be.
Have a good future ahead of you. Aaaaaaand be the best that you can be!

                                                                                         Love,
                                                                                         Your 17-year-old-self

P.S.
You can bring back your study habits, right? Or can you, really? Now, it’s a dare! Good luck, Diarina Jane.

Sabado, Agosto 11, 2012

Itak sa Puso ni Mang Juan: Isang Maikling Pagsusuri


              Isang larawan ng tipikal na pamumuhay sa ating bansa, isang pagpapakita ng tunay na imahe ng mga karaniwang mamamayan sa ating lipunan, isang malinaw na paglalarawan sa mukha ng nakararaming taong sinusubukang sakupin ng mga dayuhang kumpanya sa pamamagitan ng kanilang mga produkto – gan’yan ko nakikita ang obra ni Antipas Delotavo na pinamagatang “Itak sa Puso ni Mang Juan”.
            Mula sa aking asignaturang Humanities noong ako ay nasa unang taon- unang semestre ng aking buhay-kolehiyo, natutunan kong si Delotavo ay isang social realist na nagbibigay-pansin sa mga totoong nangyayari sa ating lipunan, lalung-lalo na sa mga manggagawa, na hindi madalas nakikita ng mga tao. Ang likhang sining na ito ay isang halimbawa ng kaniyang mga obra maestra na nagpapakita ng tinatawag na “neo-koloniyalismo” at “mental coloniality” ng mga Pilipino. Paano ko nasabi?
            Una kong sinuri ang lalaking nasa larawan o si Mang Juan. Makikita rito na si Mang Juan ay nagrerepresent sa mga Pilipino o masa dahil sa kaniyang mga katangian: kayumangging balat, kulay ng buhok at pananamit. Sa kaniyang postura at ayos ng pagkakatayo na ang ulo ay nakayuko, ang ekspresyon ng mukha ay parang nahihirapan, ang likod na tila pagud na pagod at ang mga brasong nakalagay sa likuran ay nagpapakita ng tuluyang pagsuko ng mga Pilipino sa mga produktong dayuhan at pagsunod sa mga batas nito sapagkat karaniwan sa mga manggagawang Pilipino ay nagtatrabaho sa ilalim ng mga dayuhan. Kumbaga, kinailangan na lang nilang sumunod upang kumita at may maipampakain sa pamilya. Isa pa, ang Coca-Cola ay isa sa malalaking kumpanya na sumusubok manipulahin ang ekonomiya ng bansa at nakuha nito ang kahinaan ng ating mga kababayan na mabilis tumangkilik sa mga produktong dayuhan.
            Ikalawa ko namang sinuri ay ang “background” ng larawan na may nakasulat na Coca-Cola. Ang matitingkad na liwanag sa ibaba ng larawan ay nagpapakita ng pagiging sikat at glamoroso ng kumpanyang ito sa ating bansa. Ipinapakita rin nito ang pandarayang lihim na naidudulot nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Sapagkat naituturo nito ang pagtangkilik sa maling produkto na hindi naman dapat. Ang mga bagay na kanilang ibenebenta ay pilit nilang ipinapatankilik na hindi naman talaga kailangan ng mga tao sa araw-araw na pamumuhay. Makikita rin dito ang tila kutsilyong nakaturo sa dibdib ni Mang Juan na para sa akin ay nagpapakita ng paghihirap na nararanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga dayuhan sa mismong bansang ating tinitirhan.
Sa kabuuan, pinalabas ng pintor ang maaring negatibong epekto ng globalisasyon,  komersalisasyon sa Pilipinas at sobrang pagtangkilik ng mga kababayan natin- si Mang Juan bilang representante ng mga mamamayang Pilipino- sa mga produkto ng mga dayuhang kumpanya tulad ng Coca-Cola Companies. Base sa aking nakita sa likhang sining na ito, ang tila-kutsilyong buntot ng letrang C sa Coca-Cola na nakaturo sa puso ni Mang Juan ay nagpapakita lamang ng paghihirap na maaring maranasan natin kung ang mga dayuhang kumpanya dito sa bansa ay patuloy na sasakupin ang industriya at magkaroon ng malaking kontrol sa ekonomiya ng Pilipinas, na sa mga panahon ngayon ay tila itinuturo din sa atin ng mga kumpanyang ito ang pamumuhay na naaayon sa ‘gusto’ at hindi sa ‘pangangailangan’ ng tao.